--Ads--

CAUAYAN CITY, ISABELA– Pinagbabaril patay ang isang kasapi ng ng San Isidro Police Station sa Barangay Rizal West.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni P/Sr. Insp. Rommel Cancejo, hepe ng San Isidro Police Station na ang nasawi sa paamamaril patay ay isa sa kanyang pulis na si PO1 Dominador Arciaga, may-asawa at residente ng Bonifacio ,Alicia, Isabela.

Ang biktima ay pauwi na nang barilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng isang SUV na walang plaka.

Matapos ang krimen ay tumakas ang mga suspek.

--Ads--

Dinala sa pagamutan sa Echague, Isabela si PO1 Arciaga ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician.