--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinag-iingat ngayon ang mga mananampalatayang katoliko sa pagkalat ng satanic rosary.

Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan ay Father Vener Ceperez , Kura Paroko ng Saint Anthony De Padua Parish na ang satanic rosary ay ipinapamigay ng libre o bilang regalo.

Bago anya ito ipamigay ay dinadasalan ng mga satanista.

Kapag dinala anya sa loob ng pamamahay o sa loob ng kuwarto ang satanic rosary ay mas madaling pasukan ng demonyo na sanhi para mag-iba ang maramdaman ng sinumang mayhawak nito.

--Ads--

Sinabi pa ni Father Ceperez na ang satanic rosary ay mayroong larawan ng araw o iluminati sa taas ng ulo ng nakapakong si Hesus bukod pa sa ahas na pinupuluputan ang ulo ni Hesukristo.

Ang tatak ng iluminati ay mayroon din sa magkabilang kamay at paanan ni Hesus.

Hindi anya masyadong halata ang mga ito dahil inilalagay sa mga plastic na rosaryo.

Sa pamamagitan ng Bombo Radyo Cauayan ay nanawagan si Father Ceperez sa mga hindi sinasadyang nakakuha ng satanic rosary na ibigay sa kanilang kura paroko upang kanilang sunugin.