--Ads--
CAUAYAN CITY– Bumagsak na sa kamay ng batas ang isang Punong barangay ng barangay Dalena, San Pablo, Isabela na wanted sa batas.
Dinakip sa pangunguna ni P/Sr. Insp. George Maribbay, hepe ng San Pablo Police Station katuwang ang CIDG Isabela si Punong-Barangay Brixio Gammaru, 34 anyos at residente ng Dalena, San Pablo, Isabela.
Si barangay kapitan Gammaru ay maituturing na number 6 wanted person sa Municipal level sa San Pablo, Isabela.
Dinakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Felipe Jesus Torio II ng Regional Trial Court Branch 22 dahil sa kasong two counts of homicide.
--Ads--
Kinakailangang maglagak ng kabuoang piyansang P/200,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng suspek.




