CAUAYAN CITY – Makikibahagi ang Diocese of Ilagan sa 40 araw na panalangin ng mga simbahang katoliko para sa kapayapaan ng bansa.
sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Father Vener Ceperes, ang Social Communications Director ng Diocese of Ilagan at parish priest ng St. De Padua Parish ng Reina Mercedez, Isabela na natanggap na ni Father Greg Uanan , Chancellor ng Diocese of Ilagan ang nilalaman ng isasagawang apatnapong araw na panalangin.
Ang panalangin ay sisimulan sa September 23, 2017.
Sinabi pa ni Father Ceperez na walang makakapalit sa kapangyarihan ng panalangin.
Maganda anyang pagkakataon ito para sa lahat ng parokya at mananampalataya para magkaisang manalangin para sa ating bansa.
Ang panalangin ay naglalayon para sa kapayapaan ng bansa at para matigil na ang mga nagaganap na patayan.
Nilinaw pa ni Father Ceperez sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo na hindi nila isinisisi ang lahat ng nagaganap na patayan sa pamahalaan dahil maaaring sanhi rin ito ng onsehan sa droga o galit sa isa’t-isa.
Hinikayat pa ni Father Ceperez ang mga mamamayan na tumulong sa pamahalaan at simbahan para makamit ang kapayapaan sa bansa.




