CAUAYAN CITY- Nagpositbo ang isinagawa ng Jones Police station na paghalughog sa bahay ng isang beautician na pinaniniwalaang nag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.
Dinakip ang suspek na si Edwin Casalamitao, 44 anyos at residente ng barangay Minuri Jones, Isabela.
Isinilbi ng mga otoridad ang search warrant sa bahay ng suspek sa barangay Minuri kung saan nasamsam ang 3 plastic sachet na pinaniniwalaang naglalaman ng shabu at drug paraphernalia.
Si Casalamitao ay isang drug surrenderer sa kategoryang drug pusher subalit namonitor umano na bumalik sa iligal na gawain.
Sa panayam ng bombo radyo cauayan kay P/Sr. Insp. Samuel Lopez, hepe ng Jones Police Station, inihayag niya na kahit sumuko na sa oplan tokhang ay hindi nangangahulugan na hindi na nila ito imomonitor.
Todo tanggi ang nasabing beautician at iginiit na hindi niya umano alam kung saan nanggaling ang mga nasamsam na ipinagbabawal na gamot.




