--Ads--

CAUAYAN CITY- Mataas pa rin ang morale ng mga kasapi ng Caloocan Police Station sa kabila na lahat ng mga kasapi nito ay ma-relieve sa tungkulin.

Ito ang inihayag sa Bombo Radyo Cauayan ni  PO3 Gabin, isa sa mga kasapi ng SWAT na sumasama sa ilang operasyon ng PNP Caloocan.

Naniniwala pa rin si PO3 Gabin na mas nakakarami pa ring mabuting police Caloocan at iilan lamang ang lumalabag sa batas.

Kanyang nilinaw na hindi lahat ng mga pulis sa Caloocan ay berdugo o mamamatay tao dahil karamihan pa rin sa kanila ay sumusunod sa batas

--Ads--

Inihayag pa ni PO3 Gabin sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan na sumasama rin ang kanilang pakiramdam kapag mayroong mga kasamahang lumalabag sa batas.

Bagamat nadamay lamang sila sa kagagawan ng ilang matiwaling pulis ay tanggap naman nila na bahagi ng kanilang trabaho ang mailipat sa ibang himpilan ng pulisya.

Si PO3 Gabin ay isa sa mga nagbibigay ng road security at vigil sa burol ni PO3 Junior Hilario sa Malapat Cordon, Isabela, isang police Caloocan na namatay sa isang police operation at naiuwi rin sa pagkamatay ng hitman ng isang sindikato.