--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip sa isinagawang drug buy bust operation ng ng mga kasapi Luna Police Station ang isang magsasaka sa barangay Harana.

Katuwang ng PNP Luna ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 ay dinakip si Alfred Castillo, 48 anyos, may-asawa at residente ng Mambabanga,Luna, Isabela.

Nakuha sa pag-iingat ni Castillo ang isang sachet ng hinihinalang shabu at marked money.

Sinabi ni P/Sr. Insp. Reynaldo Viernes, Acting Chief of Police ng Luna Police Station na matagal na nilang sinusubaybayan si Castillo na bagamat hindi sumuko sa oplan tokhang ay nakakatanggap sila ng impormasyon na siya ay nagbebenta ng illegal na droga sa kanilang barangay.

--Ads--

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban kay Castillo.