--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakaburol ngayon sa Barangay Malapat, Cordon, Isabela ang mga labi ni PO3 Junior Hilario, isang kasapi ng Caloocan City Police Station makaraang mapatay sa isang police operation.

Sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni ,Bb. Leonora Hilario, nakatatandang kapatid ni PO3 Hilario na dalawang araw lamang ibuburol sa kanilang bahay ang kapatid batay na rin sa kasunduan nila ng asawa ng nasabing pulis.

Matapos anya ang dalawang araw ay ibabalik din ang mga labi ni PO3 Hilario sa Caloocan City.

Inilarawan ni Bb. Hilario ang kapatid na si PO3 Junior Hilario na hindi lamang mabait kundi mapagbigay ang kapatid.

--Ads--

Nagpahayag din ng hinanakit si Bb. Hilario dahil sa puro negatibo ang naririnig sa mga operasyon ng mga pulis sa Caloocan samantalang ang kanyang kapatid ay namatay sa isang lehitimong operasyon.

Si PO3 Junior Hilario ay Labing isang taon na sa serbisyo bilang pulis na nakatalaga sa PNP Caloocan at ipinanganak sa Cordon, Isabela.