--Ads--
CAUAYAN CITY – Nasisiyahan na ang hanay ng mga manggagawa sa umento o wage increase na ipapatupad ng Regional Tripertite Wages and Productivity Board o RTWPB dito sa region 2.
Ayon kay G. Johnny Alvaro, ang kinatawan ng mga manggagawa sa RTWPB, nagpulong sila kamakailan at ipinasya ng Department of Labor and Employment ( DOLE ) na magkakaroon ng umentong P/40.00 sa arawang sahod ng mga manggagawa sa buong Region 2.
Ito anya ay pagtaas sa sahod ng mga manggagawa sa non-agriculture at agriculture sector.
Sinabi ni Ginoong Alvaro na sa darating na September 25, 2017 magkakabisa ang wage order .
--Ads--
Idinagdag pa ni Alvaro na sa buong pilipinas tanging ang region 2 ay may pinakamataas na ibinigay na wage increase.




