--Ads--

CAUAYAN CITY – Binawian ng buhay ang isa sa dalawang biktima ng pamamaril sa bakuran ng isang paaralan sa Barangay Manano, Mallig, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, kinumpirma mismo ni P/Sr Insp. Rexon Casauay, hepe ng Mallig Police Station na binawian na ng buhay si Jacinto Alagano Sr. 41 anyos, may-asawa residente Sitio Villa Corazon, Manano, Mallig, Isabela habang nasa mabuti nang kalagayan ang isa pang biktimang si Roger Benitez, may-asawa, dating SB Secretary at residente ng Casili, Mallig, kapwa kawani ng Fico Bank.

Inihayag ni Police Senior Insp. Casauay ang mga biktimang sina Alagano at Benitez ay pinagbabaril habang sila ay nasa entablado ng Community Center sa loob ng Manano Elementary School Annex para sa feeding program na sponsored ng nasabing bangko.

Nauna rito, posibleng napagbalingan lamang ang dalawang biktima matapos pumalya ang pagbaril sana sa Corporate Secretary ng bangko na si Frederick Obedosa, residente ng Ramon, Isabela na siyang puntirya sa pamamaril.

--Ads--

Ang dalawang suspek ay tumakas matapos ang pamamaril sakay ng motorsiklong walang plaka.