--Ads--

CAUAYAN CITY- Bilang pagkilala sa kabayanihang ipinamalas ng isang pulis na tubong Isabela na nasawi sa isang lehitimong police operation ay ipinasya ni Governor Faustino Dy III na bigyan ng financial Assistance ang pamilya ng napatay na si PO3 Junior Garcia Hilario, isang kasapi ng Caloocan Police Station.

P/25,000.00 ang ipagkakaloob ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela sa pamilya ni PO3 Hilario.

Ito ay makaraang nakarating na sa tanggapan ni Atty. Noel Manuel Lopez, Provincial Administrator ng Isabela ang certification mula National Capital Region Police Office (NCRPO) na ang pagkamatay ni PO3 Hilario ay resulta ng lehitimong police operations.

Nakasaad pa sa kalatas na mula sa NCRPO ay sinasabing noong madaling araw ng iktatlo ng Setyembre, 2017 ay naganap ang operasyon sa Sampaguita Subdivision, Barangay 175 Camarin, Caloocan City.

--Ads--

Malungkot ang nasabing operasyon makaraang mabaril si PO3 Hilario ng isang Jayson Dela Cruz na nasa order of Battle ng PNP na napatay din ng kapulisan.

Ang nasabing kalatas ay ipinalabas ng NCRPO kaugnay na rin sa requirement para sa pagproseso sa pagbibigay ng tulong pananalapi sa pamilya ng nasabing puli.

Magugunitang ibinurol ang mga labi ni PO3 Hilario sa bahay ng kanyang mga magulang sa Malapat Cordon Isabela ng dalawang araw ngunit ibinalik din sa Coloocan City batay sa kahilingan ng maybahay nito.