CAUAYAN CITY – Nadakip ng magkasanib na puwersa ng Angadanan Police Station at Criminal Investigation and Detection Group ( CIDG ) Ilagan City ang isang suspek may kasong Robbery with Homicide sa Angadanan,Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan,nadakip ang suspek na si Eduardo Meriales,25 anyos, binata , isang helper at residente ng Bonifacio, Angadanan Isabela sa Barangay Nungngungan Dos, Cauayan City.
Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Reymundo Aumentado ng RTC Branch 20 Cauayan City, dinakip ang suspek.
Walang inirekomendang piyansa para sa pansamantalang kalayaan si Meriales.
Magugunitang ang mga biktima ay ang mag-asawang Remegia at Romeo Ramos kasama na ang ina ni Romeo na si Ginang Severina Ramos.
Noong gabi ng Agosto 24, 2016 ay pinasok ng suspek at apat pang kasamahan ang bahay ng mag-asawa sa Barangay Bannawag, Angadanan, Isabela kung saan napaslang ang mag-asawang Ramos.
natangay ng mga suspek ang P/3,000.00 piso at dalawang cellphone
Pinagsasaksak at ginilitan ng leeg si Remeo habang binaril naman si Remegia na sanhi ng kanilang kamatayan at nakaligtas naman sa kapahamakan si Ginang Severina Ramos matapos barilin.
Nauna nang sumuko sa PNP Cauayan City ang isa sa mga suspek na si Lordwin Ramos at nadakip ang isa pang kasamahan na si Rodel Valdez .
Si Meriales ay ipapasakamay sa BJMP dahil walang piyansang inilaan para sa kanyang pansamantalang kalayaan.




