--Ads--

CAUAYAN CITY – Pinaghahanap na ang lahat ng mga opisyal ng Bureau of Customs o BOC na sangkot sa pagkakapuslit ng 6.4 billion pesos na halaga ng shabu sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Cauayan, tiniyak ni Sen. Bam Aquino na pakakasuhan ang lahat ng mga miyembro ng Customs na may kinalaman kung bakit nakapuslit ang mahigit anim na raang kilo ng shabu sa bansa.

Ito’y sa kabila ng mahigpit na kampanya ng mga otoridad laban sa iligal a droga.

Iginiit ng senador na magpapatuloy ang kurapsyon sa BOC kung hindi mapapanagot ang mga opisyal ng institusyon na sangkot sa katiwalian.

--Ads--

Binigyang-diin ng senador na dapat nang matigil ang tara system sa BOC upang hindi na makapasok ang mga illigal shipment na mula sa ibang bansa.