--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinapangunahan ngayon ng mga kabataang kasapi ng mga progresibong pangkat ang isinasagawang kilos protesta sa Santiago City bilang suporta sa malawakang kilos protesta kaugnay sa paggunita ng ika-45th na anibersaryo ng paggunita ng deklarasyon ng Martial Law.

Nagsisidatingan pa rin ang mga kabataang miyembro ng Bayan Cagayan Valley, Anakbayan Cagayan Valley, Karapatan at Anakpawis upang pangunahan ang kilos protesta sa Santiago City.

Ilan lamang sa kahilingan ng mga nagsagawa ng kilos protesta ay ang pag-alis na sa ipinapatupad na Martial Law sa Mindanao at ang umanoy pang-aabuso ng karapatang pantao ng Duterte Administration.

Mayroon ding isinagawang kilos protesta sa Lunsod ng Tuguegarao ng mga grupo ng kabataan

--Ads--

Nagkaroon na rin ng masikip na daloy ng trapiko sa lunsod ng santiago dahil sa nasabing kilos protesta.