--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsimula ngayong araw ang tatlong araw na 5th International Youth Assembly and Inauguration of Youth and Students for Peace Philippines.

Ito ay dinadaluhan ng halos 900 youth leaders mula sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa tulad ng Germany, Japan, Cambodia, South Korea, Liberia at marami pang iba.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Anthony Barut, Pangulo ng World Collegiate Associate for the Research of Principles, sinabi niya na ang tema ngayong taon ay Peace -Loving Global Youth:Nation Builders for Positive Change

Sinabi niya na kabilang sa mga resource speakers si Dr. Julius Malicdem, Chairman of CARP and Youth Federation for World Peace (YFWP) in the Philippines.

--Ads--

Kabilang sa mga aktibidad sa ay ang international youth forum. World Collegiate Association for the Research of Principles (WCARP) symposium at sa Linggo ay ang main event at Youth and Students for Peace (YSP) inagauration

Pangunahing layunin ng International Youth Assembly na maturuan ang mga kabataan ng mabubuting kaalaman at kaugalian para maihanda ang kanilang sarili sa lahat ng aspeto ng kanilang buhay.

Mahubog sila sa mga magagandang asal o values, magkaroon ng ibayong disiplina at sapat na kakayahan para maging mahusay na lider.

Sinabi pa ni Ginoong Barut sa exklusibong panayam ng Bombo Radyo na sa pamamagitan din ng 5th International Youth Assembly ay mapaganda pa ang mga programa para sa kapakanan at karapatan ng mga kabataan.