--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanindigan ang ilang Barangay Federation Presidents sa Isabela na ang kautusan ng kanilang National Executive Board ang kanilang susundin kaugnay sa naging tagubilin ng Department of the Interior and Local Government.

Ang tagubilin ng DILG ay magsasagawa sila ng halalan para sa Ex-officio Member sa Sangguniang Panlalawigan, Sangguniang Panlunsod at Sangguniang Bayan.

Una rito ay nakarating na sa Provincial Capitol ng Isabela sa Lunsod ng Ilagan ang tagubilin ng DILG na hindi dapat lalampas sa ikatatlumpo ng Nobyembre 2017 ay dapat magkaroon ng halalan para sa mga Ex-Officio Members dahil hindi sila kasama sa extension ng termino at magtatapos ang kanilang termino bilang mga ex-officio members sa pagtatapos din ng tungkulin ng mga elected barangay Officials.

Ayon sa mga naka-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan, ang bagong tagubilin na ipinalabas ng National Executive Board ng Liga ng mga Barangay Pilipinas ang kanilang susundin na mananatili sila sa puwesto, walang magaganap na halalan at maghihintay sila ng tagubilin mula sa nakakataas.

--Ads--