CAUAYAN CITY – Labing-apat na babaeng entertainment workers ang nailigtas ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) Region 2 sa isinagawang raid sa isang bar and restaurant sa Bugallion Norte, Ramon, Isabela na nagbibigay umano ng extra service sa mga kalalakihan tuwing gabi.
Ang may-ari ng bar and restaurant ay si Aurelia Peralta na residente ng Bugallion Norte, Ramon, Isabela.
Ang pagsalakay sa naturang lugar ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng NBI Region 2 sa pangunguna ni Atty. Gelacio Bongat katuwang ang Ramon Police Station.
Sa imbestigasyon ng Ramon Police Station na pinamumunuan ni P/Chief Inspector Genesis Cabacungan, natuklasan nila na maraming mga kalalakihan ang pumupunta sa naturang bahay kainan tuwing gabi dahil sa mga babaeng nagbibigay ng aliw.
Dinala si Peralta at kanyang mga entertainment workers sa tanggapan ng NBI Ilagan City para sa mas malalimang imbestigasyon.




