--Ads--

CAUAYAN CITY – Naaagnas ng bangkay nang matagpuan ang isang lolo na napaunang naiulat na nawawala sa bayan ng Villaverde, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay P/ Chief Inspector Juancho Crisostomo, hepe ng Villaverde PNP na ang biktimang si Benito Naduwa, 70 anyos, byudo at residente ng Brgy Cabuluan, Villaverde, Nueva vizcaya ay una ng nawawala nuong ika-walo ng setyembre ngayong taon.

Aniya sa nasabing petsa ay bibili lamang sana ng prutas biktima subalit bigo naman ng makabalik pa dahilan upang kanilang ipatala sa himpilan ng pulisya ang kanyang pagkakawala.

Subalit sa patuloy na paghahanap ng mga kamag anak ng biktima pangunahin ang kanyang anak na si Johny Naduwa ay kanilang ikinagulat ng makita ang lolo na nakahandusay na lamang sa bahagi ng kagubatan sa kanilang lugar na naagnas na.

--Ads--

Batay sa isinagawang pagsisiyasat ng Villaverde Police Station hinihinalang umakyat ng puno ang biktima upang kumuha ng vine o gawed na dahilan upang siya ay mahulog sa 15 feet na taas na nagsanhi ng kanyang kamatayan.