--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 ( Anti-Child Abuse Law) ang guro na naging viral sa social media ang video ng kanyang pananampal sa apat na mag-aaral.

Ang guro ay si Gilbert Almeda na nagtuturo ng Araling Panlipunan sa sa Pinaripad National High School sa bayan ng aglipay.

Maaalalang sinampal ni Almeda ang mga estudyante noong ika dalawampu ng Setyembre dahil sa hindi pagpasok sa kanyang klase.

Nakuhanan ng video ang pananampal ng guro sa mga estudyante at kumalat ito sa social media kaya nagsagawa ng imbestigasyon sa pangyayari ang Kagawaran ng Edukasyon o DepEd sa lalawigan ng Quirino.

--Ads--

Ayon kay Dr. Tessie Duyan, Principal ng Pinaripad National High School, hinihintay pa nila ang resulta ng imbestigasyon ng DepEd at kung anuman ang magiging pasya ay kanilang susundin.