CAUAYAN CITY – Libo-libong punong kahoy ang itinanim bilang bahagi ng pagdiriwang sa Siera Madre Day.
Sa barangay Sindon Bayabo, Ilagan City kung saan malapit ang ginagawang Ilagan-Divilican road ang napiling pagtamnan ng mga punong kahoy.
Ayon kay Raquel Caldez, Information Officer ng Provincial Environment and Natural Resources, mahigit tatlong libong punlang Narra ang naitanim sa pakikipagtulungan ng Philippince League of Local Environment Natural Resources, Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa lunsod ng ilagan at Naguilian, Isabela, Pamahalaang Panlalawigan, Philippince Information Agency, Environment Provincial Protection Task Force, mga opisyal ng iba’t ibang barangay at mga volunteer planters.
Layunin ng aktibidad na muling payabungin ang paligid ng Siera Madre Mountains upang maibalik ang luntiang kapaligaran.




