CAUAYAN CITY – Gaganapin ang 2017 Ms.Earth Swimwear competition sa Mengal Festival ng Echague, Isabela.
Magsisimula bukas ang Mengal Festival sa pamamagitan ng misa sa St. Joseph Parish na susundan ng ribbon cutting ng banchetto at iba’t-ibang paligsahan
Sa October 27, 2017 magaganap ang swimwear competition na dadaluhan ng 31 kandidata na bahagi ng pangalawang grupo sa Ms. Earth 2017.
Susundan ng battle of the band, fire musical show, street dance at show dance competition
Inaasahan din ng pamahalaang lokal ng Echague ang pagdating ng mga bisita para sa gaganaping Ms. Earth Swimwear Competition na manggagaling pa sa Espanya.
Bukod dito inihayag ni Dr. Matthew Joseph Alindada, Director General ng Mengal Festival 2017 at Municipal Administrator ng Echague na tatlong araw na magkakaroon ng Celebrity Concert na pangungunahan ng mga bandang Callalily at Silent Sanctuary, at ang singer na si Bamboo.




