--Ads--

CAUAYAN CITY – Aabot sa 7.5 milyong trabaho ang puntiryang maipagkaloob na trabaho ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Departmenmt of Trade and Industry (DTI) hanggang sa 2022.

Manggagaling ang mga trabahong ito sa sektor ng manufacturing, agri-business, construction, turismo, hotel and restaurant at iba pa.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Labor Undersecretary Bernard Olalia na tubong City of Ilagan, sinabi niya ginagawa ito ng pamahalaan bilang tugon sa mga Pilipino na walang trabaho lalo na sa mga umaalis ng bansa para magkatrabaho.

Sa datos ng DOLE, umaabot sa 5,000 hanggang 6,000 na Pilipino ang umaalis araw-araw sa Pilipinas at nagsasakripisyo sa ibang bansa para sa kanilang mga pamilya.

--Ads--

Sinabi pa ni Undersecretary Olalia na binabantayan nila ang seguridad ng mga Overseas Filipino Worker (Ofw’s) upang hindi sila mabiktima ng mga illigal recruiter at pang-aabuso ng mga employer.

Ipinagmalaki rin ng DOLE ang programa nito na reintegration services para sa mga OFWs upang matulungan sila pagbalik sa Pilipinas.
Top