--Ads--

CAUAYAN CITY- Pinaiimbestigahan na ni City Director Supt. Percival Rumbaoa ng Santiago City Police Station sa Presinto Uno ang naganap na drag race ng ilang kalalakihan sa Brgy. Buenavista.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punung-Barangay Leofin Pascual ng Buenavista, Santiago City nahagip ng kuha ng CCTV Camera ang naganap na drag racing sa kanilang nasasakupan.

Ayon pa kay Brgy. Capt. Pascual, may ordinansang na umiiral sa kanilang lugar na ipinagbabawal ang anumang karera at kung sinuman ang lalabag dito ay mapapatawan ng kaukulang parusa.

Nauna na ring lumabas sa pagsisiyasat ng mga otoridad na apat na kalalakihan na lulan ng isang 4 wheel vehicle ang nasugatan matapos mabunggo ang isang puno.

--Ads--

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon para matukoy kung sinu-sino ang sangkot sa drag racing sa Santiago City.