CAUAYAN CITY– Dalawang tao ang nahuli sa isinagawang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Santiago City.
Ang mga suspek ay sina Novelyn Mactal,26 anyos, isang self employed, walang asawa na residente ng Brgy. Calaocan, Santiago City at Carlos Suganob, 51 anyos, caretaker, may asawa na residente ng Patul, Santiago City.
Si Mactal ay itinuturing na newly identified drug pusher.
Una rito, nagtungo si Mactal sa lugar na pinagtatrabahuhan ni Suganob upang kumuha umano ng buko na gagamitin sa isang okasyon,
Agad isinagawa ang operasyon laban sa dalawang suspek na nagresulta ng pagkakasamsam ng isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu mula kay Mactal habang dalawang plastic sachet naman ang nakuha mula kay Suganob.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya ang dalawang suspek para sa pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanila.




