--Ads--

CAUAYAN CITY– Sumailalim sa pagsasanay ang 50 mga tatay upang maimulat ang kanilang responsibilidad bilang padre de pamilya.

Ang pagsasanay ay isinagawa sa Balay na Santiago na dinaluhan ng mga padre de pamilya mula sa mga barangay ng Abra, Ambalatungan, Buenavista , Cabulay at Sinsayon.

Bukod sa layunin ng nasabing pagsasanay na maipamulat ang responsibilidad ng pagiging ama ay ipinaalala ang magandang pagiging isang huwarang pamilya.

Ang pagsasanay ay pinangunahan ni Santiago City Population Office sa pamumuno ni Ginoong Mamerto Gabriel, Asst. City Population Officer.

--Ads--

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan per region ang ginawang pagsasanay sa mga ama ng tahanan kung saan nauna ang Diadi Region.

Inihayag pa ni Ginoong Gabriel na dapat ay ipamulat sa mga ama ang kanilang responsibilidad sa pamilya at hindi maging sobrang istrikto sa kanilang mga anak upang hindi mag-rebelde.

Kanya pang inihayag pa dapat na igalang ng mga ama ang karapatan ng kanilang mga maybahay o asawa at huwag silang saktan kundi tulungan pa sila sa mga gawaing bahay.