--Ads--
CAUAYAN CITY- Pinapalitan ng mga contructor ang mga proyektong pagsesemento sa mga lansangan na hindi pumasa sa quality standard ng 4th Isabela Engineering District ng DPWH.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni District Engineer Edmund De Luna ng 4th Engineering District ng DPWH na kaya mayroong nakikitang mga binabakbak na mga sementadong daan ay dahil hindi pumasa sa Quality standard ng Kagawaran na kailangang palitan ng mga contructor.
Sinabi ni Eng’r. De luna na walang magiging gastos ang pamahalaan para rito kundi ito ay gagastusan ng mga contructor na may hawak sa mga nasabing daan.




