--Ads--

3 anggulo sinisiyasat ng pulisya sa pananaksak sa Mayor ng Paracelis, Mountain Province

CAUAYAN CITY – Tatlong anggulo ang sinisiyasat ng Presinto Uno ng Santiago City Police Office sa pananaksak kay Mayor Avelino Amangyen, 52 anyos ng Paracelis, Mountain Province.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Police Chief Inspector Rolando Gatan, Station Commander ng Presinto Uno na pangunahing sinisiyasat nila sa pananaksak sa Punong-bayan ay maaring robbery hold up, personal na alitan at may kaugnayan sa politika.

Anya lumabas sa kanilang paunang pagsisiyasat na ang biktima kasama ang isang Planning Engineer at isang contractor na nagtungo para mag-encash ng cheke sa isang bangko.

--Ads--

Unang naka-encash ng dalawang cheke ang Mayor na nagkakahalaga ng P6,000.00 at dito nagpaalam sa mga kasamahan na lumabas ng bangko at dumiretso sa kanyang sasakyan na nasa harapan ng Land Bank.

Maaaring naghinala ang mga suspek na may pera ang Mayor dahil nakitang galing sa loob ng bangko at dito nila hinoldap ngunit nanlaban ang mayor kaya di napuruhan .

Dinala ang biktima sa pagamutan ng isang tsuper ng tricycle.

Nagtamo ng saksak ang mayor sa kanyang katawan, dibdib, at tagiliran na agad dinala sa pagamutan para sa kaukulang lunas.

Ang Mayor ay nasa ligtas nang kalagayan.