CAUAYAN CITY –Umabot sa 26 na milyong piso ang kabuoang halaga ng mga heavy equipment na sinunog ng mga umanoy rebeldeng New People’s Army sa Diadi, Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Diadi Police Station ang mga sinunog ay kinabibilangan ng isang water truck na sinunog sa barangay Arwas, isang dumptruck na sinunog sa barangay Escoting at isang Backhoe na sinunog sa barangay San Pablo na nagkakahalaga ng 26 million pesos.
Lumabas sa imbestigasyon na ang mga heavy equipment ay pang-aari ng Delta Earthmoving Construction Company.
Nabawi naman ng mga otoridad sa lugar ang dalawang container na pinaglagyan ng gasolina na pinaniniwalang ginamit sa pagsunog sa mga heavy equipment.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya at militar sa naganap na dalawang insidente ng panununog sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.




