--Ads--

CAUAYAN CITY –Isasagawa ang Cooperative Youth Summit sa Oktobre 16, 2017 sa Cabatuan,Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, humigit kumulang 800 senior high school student, gayundin ang mga out of school at student leaders mula sa iba’t ibang mga bayan sa Isabela ang dadalo sa Cooperative Youth Summit na gaganapin sa Cabatuan, Isabela.

Dalawampu’t limang kompanya rin ang lalahok sa Cooperative Job Fair na bahagi ng nasabing summit.

Magkakaroon ng slogan at poster making contest sa Cooperative Youth Summit.

--Ads--

Inihayag ng Provincial Cooperative Office ng Isabela na magiging panauhing pandangal sa Cooperative Youth Summit si Senador Bam Aquino.