--Ads--

CAUAYAN CITY– Nababahala si Sangguniang Panlalawigan Member Rolando Tugade sa tagubilin ng DILG na sa pamamagitan ng Mamamayan Ayaw Sa Droga, Ayaw sa Anomalya (MASA MASID) ay gagamit ng mga suggestion boxes kung saan maaaring isulat at ilagay ang mga hinihinalang sangkot sa illegal na droga.

Ayon kay SP Member Tugade, Chairman ng Committee on Peace and Order, ito ay delikado dahil maaaring maabuso ang karapatan ng bawat isa lalo na ang mga mamamayan na namumuhay ng tahimik at walang kinalaman sa illegal na droga.

Una nang na-konsepto ng MASA MASID ang paglalagay ng mga suggestion boxes kung saan maaaring isulat ng isang tao ang pangalan na nais niya na sangkot sa illegal na droga.

Maaari umanong maabuso ito at ang isang tao ay maaaring maglagay ng ilang beses na pangalan sa iba’t ibang paraan upang maidiin lamang ang taong maaring kaaway niya at pagbintangang sangkot sa ipinagbabawal na droga.

--Ads--

Inihayag pa ni SP Member Tugade na maging ang pagkuha ng PDEA, PNP at MASA MASID ng mga sibilyang asset na walang kinalaman sa operasyon ng droga ay napaka-delikadong pamamaraan.

Dahil dito hiniling ni SP Tugade na ipatawag ang mga taga DILG at mga nangangasiwa sa MASA MASID na magpaliwanag sa susunod nilang regular session