--Ads--

CAUAYAN CITY- Patay ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan matapos masangkot sa aksidente ang isang motorsiklo sa Sinsayon, Santiago City.

Ang biktima nasawi ay ang backrider na si Renzy Camiling, 22 anyos, binata habang sugatan ang tsuper ng motorsiklo na si Joshua Agasin 21 anyos, binata , helper at kapwa residente ng Fugu, Echague, Isabela na ngayon ay nilalapatan ng lunas.

Dinala rin sa pagamutan ang nabangga ng motorsiklo na si Mary Guinyang, 44 anyos na residente ng Sinsayon, Santiago City.

Nasa malubhang kalagayan sina Agasin at Guinyang dahil sa mga tinamong sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

--Ads--

Nakita ng Bombo Radyo Cauayan na umabot sa 70 hanggang 80 metro ang layo ng tumilapon na bangkay ng biktima.
Nagsasagawa pa rin ng pagsisiyasat ang pulisya katuwang ang traffic management group sa nasabing aksidente.