--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagdulot ng pagkabahala sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaang lokal ng ilagan makaraang maramdaman ang medyo may kalakasan ng lindol.

Gayunman walang nag-panic at agad naisaayos ang pagpapatupad ng evacuation na dati nang sinasanay ng mga taga City Hall sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction Management Office.

Ayon kay Ginoong Butch Estabillo, City Disaster Risk Reduction Management Officer ng LGU Ilagan City, maayos na nagsibabaan ang .mga kawani mula sa gusali ng pamahalaang lokal at bumalik din makaraang ang ilang sandali.

Sa ngayon ay sinusuri na ng City Engineering Office ang gusali ng pamahalaang Lunsod upang matiyak na walang tinamong sira.

--Ads--

Samantala, Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Siesmologist John Lerry Deximo ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman kaninang ala-1:36  ng hapon na may lakas na magnitude 4. 1 na may lalim na 22 kilometro.

Anya tectonic ang origin ng lindol at ang epicenter ng lindol ay naganap sa layong  16  kilometro south east ng San Pablo, Isabela.

Naramdaman ang intensity 3 sa Tuguegarao City at Peñablanca, Cagayan.