CAUAYAN CITY – Hindi pa matukoy ng mga otoridad kung sino ang nasa likod sa pananaksak kay Mayor Avelino Amangyen ng Paracelis, Mountain Province sa Santiago City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Chief Insp. Rolando Gatan, hepe ng Station 1 ng Santiago City Police Office, hanggang ngayon ay hindi pa nila nakakausap ang naturang alkalde na patuloy pa ring nagpapagaling sa isang pagamutan sa Santiago City.
Ayon umano sa doktor nito na posibleng nasa tatlo hanggang limang araw pa bago makausap ang alkalde.
Aminado si Chief Insp. Gatan na hirap silang matukoy ang pagkakilalan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.
Mahalaga aniya na makausap nila si Mayor Amangyen upang malaman ang tunay na pangyayari at maisalarawan ang mga suspek sa insidente.
Nauna nang inihayag ng Presinto Uno ng SCPO na tatlong anggulo ang kanilang sinisiyasat sa naganap na pananaksak sa alkalde.
Maaaring naghinala ang mga suspek na may pera ang mayor dahil nakitang galing sa loob ng bangko at dito nila hinoldap ngunit nanlaban ang mayor kaya di napuruhan
Nagtamo ng saksak ang mayor sa kanyang katawan, dibdib, at tagiliran.




