--Ads--

CAUAYAN CITY- Malaking tsansa na makuha ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction Management Council (PDRRMC) ang Best Gawad Kalasag Award sa pangatlong pagkakataon.

Sa naging pagsasalita ng Chairman ng national evaluation team ay pawang mga paghanga ang kanyang inihayag at kulang na lamang na opisyal na kanyang ihayag ang Isabela PDRRMC ang nanalo.

Ayon sa kanya kung siya mismo ang tatanungin ay panalo na ang Isabela, subalit kinakailangang magpasya ang kanyang dalawa pang kasamahan.

Una umano siyang humanga sa mga ipinakita at paliwanag ng provincial government ng Isabela kung papaano hinahawakan at hinaharap ang mga pagsubok pagdating ng kalamidad.

--Ads--

Inihalimbawa niya rito ang naging pagtugon ng provincial government ng Isabela nang manalasa ang bagyong Lawin na kaagad nakabangon bagamat malawak ang napinsala sa lalawigan.

Magiging mahigpit na katunggali ng Isabela para sa Best Gawad Kalasag Award ng PDRRMC ang mga lalawigan ng Mountain Province at Dinagat Island.