--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawang estudyante matapos masangkot sa aksidente sa San Fermin, Cauayan City.

Ang mga sugatan ay sina Rachelle Ramos, 19 anyos, dalaga at Michelle Laddit, 25 anyos, may-asawa, kapwa mag-aaral at residente ng San Mariano, Isabela.

Lumabas sa imbestgasyon ng Cauayan City Police Station, ang motorsiklo na minamaneho ni Ramos ay patungong direksiyong Alicia, Isabela nang mabangga ng sumusunod na kotseng minamaneho ni Rodrigo Domingo Jr.,25 anyos, kawani ng provincial government ng Isabela at residente ng Minante Uno, Cauayan City .

Nagbigay daan si Ramos dahil sa sumusunod na isang ambulansiya sanhi para gumawi siya sa outer lane ngunit ng bumalik siya inner lane ay nabangga ng kotse na minamaneho ni Domingo.

--Ads--

Bumaliktad ang motorsiklo sanhi para masugatan sa ibat ibang bahagi ng katawan ang dalawang sakay na agad dinala sa pribadong pagamutan ng rescue 922.

mag-uusap ang magkabilang panig sa himpilan ng pulisya kapag nakalabas na sa pagamutan ang dalawang biktima.

Nagtamo ng sira ang motorsiklo at sasakyan na nasangkot sa aksidente.