--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpulong ang mga mga kasapi ng Cauayan City Police Station kasama ang ilang kasapi ng militar at mga opisyal ng City Government ng Cauayan City.

Pinagpulungan nila ang isasagawang Muslim Congress dito sa Lunsod ng Cauayan sa huling bahagi ng buwan Oktobre sa harapan ng Muslim Center sa Barangay Cabaruan, Cauayan City.

Ang dalawang araw na Muslim Congress ay dadaluhan ng iba’t ibang samahan ng mga muslim sa buong bansa.

Tinalakay sa nasabing pulong ang mga paghahanda ng mga kasapi ng Cauayan City Police Station na magbibigay seguridad sa mga dadalo sa muslim Congress.

--Ads--

Nauna rito ay inabisuhan na rin ang mag-ari ng mga hotel sa Cauayan City dahil tiyak na maraming dadalo sa nasabing event.

Pinangunahan ni P/Supt. Narciso Paragas, hepe ng Cauayan City Police Station ang nasabing pulong.