--Ads--

Na-ospital ang isang matandang nabangga ng tricycle

CAUAYAN CITY – Sugatan ang isang matanda makaraang mahagip ng isang pamasaherong tricycle sa barangay District 2, Cauayan City.

Ang biktima ay si Estrella Agtarang, 75 anyos, may-asawa at residente ng Nagcampegan, Cauayan City.

Ang tsuper ng tricycle na nakabangga sa biktima ay si Miguel Duko Jr, 46 anyos, may-asawa at residente ng Cauayan City.

--Ads--

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na biglang tumawid ang bikrima na sanhi para siya ay mahagip ng tricycle.

Sinabi naman ni Duco na tinangka niyang iwasan ang biktimang biglang tumawid ngunit kanya pa ring nahagip.

Agad dinala sa ospital ang biktima at matapos lapatan ng lunas ang mga sugat sa katawan ay agad ding pinalabas sa pagamutan.

Nagbigay na rin ng tulong pinansiyal ang tsuper ng tricycle sa biktima.