--Ads--

CAUAYAN CITY- Maliban sa gaganaping 2017 Ms. Earth swimwear competition ay posibleng isagawa rin ang Ms. Earth talent competition sa Mengal Festival sa Echague,Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Mr. Louie Simbi, Tourism Officer ng ng Echague, kanyang sinabi nais ding ganapin sa lugar ang talent competition nang nasa 30 kandidata na bahagi ng pangalawang grupo sa Miss Earth 2017.

Aniya, nakipag-ugnayan na sa kanila ang pamunuan ng Miss Earth para sa naturang plano subalit hinihintay pa nila ang kumpirmasyon ng executive committee para sa approval ng aktibidad.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ng LGU Echague ang pagdating sa susunod na linggo ng mga kandidata.

--Ads--

Ayon pa kay Tourism Officer Simbi, inihahanda na nila ang entablado na gagamitin para sa resort wear competition ng mga kandidata na gaganapin sa Octobre 27, 2017.

Kumpirmado rin na dadalo si Miss Earth 2016 Katherine Espin ng Ecuador.

Ilan sa mga nakatakdang aktibidad ng mga kandidata ay ang tree planting activity sa Isabela State University-Echague Campus, welcome dinner at press conference.

Ang Resort Wear Competition ng Ms. Earth 2017 ay libre para sa lahat ng mga nais na manood bilang bahagi pa rin ng pagdiriwang ng Mengal Festival ng Echague, Isabela.