CAUAYAN CITY – Sesentro sa pagtatalaga sa relihiyong Islam at magsisilbing rehabilitasyon sa mga Muslim na lumilihis ng landas ang gaganaping dalawang araw na Muslim Congress sa Cauayan City.
Ang Muslim Congress ay gaganapin sa October 27-28, 2017.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Abdullah Paskhan, isa sa mga coordinator ng Muslim Congress, hindi maiaalis na ilan sa kanilang ka-relihiyong Islam ay nalilihis na ang landas kaya kailangan ang rehabilitasyon.
Aniya, ang dalawang araw na aktibidad ay isasagawa ang pag-aaral ng qouran at bibigyan ng payo ang mga nalilihis ng landas na kanilang kapanalig.
Aabot sa mahigit isang libong delegado ang inaasahang lalahok sa gaganaping religious activities ng mga Muslim na nagmula pa sa ibat ibang bahagi ng bansa.




