CAUAYAN CITY – Nakamit ng Regional Training Center ( RTC) 2 Cauayan City ang 2017 Best Regional Training Center sa buong Pilipinas.
Sa 17 Regional Training Center sa bansa ay tanging ang RTC 2 lang umano ang nabigyan ng naturang parangal ngayong taon.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni Superintendent Michael Cruz, ang Regional Training Director ng RTC 2, hindi niya akalain na sa kanila ibibigay ng Philippine Public Safety College ang naturang parangal dahil mahigit apatnapung taon na mula ng itatag ang RTC 2 at ngayon lang nakamit ang naturang parangal.
Isa sa mga naging dahilan sa pagpili sa RTC 2 ay ang mga aktibidad na kanilang isinasagawa para sa kanilang mga estudyante.
Tiniyak din ni Regional Training Director Cruz na sa kabila ng mga kontrobersiya sa mga training centers sa bansa ay mahigpit ang kanyang kautusan na walang mangyayaring hazing habang siya ang namamahala sa RTC 2.
Inaasahan pa rin umano ng Regional Ttraining Center 2 na makukuha nila ulit sa susunod na taon ang naturang parangal.




