--Ads--

CAUAYAN CITY, Isabela – Inamin ng Environment And Natural Resources Office (CENRO) Naguillian,Isabela na bahagyang apektado ang ilang wildlife sa Sierra Madre Natural Park na malapit sa ginagawang Ilagan City-Divilacan Road.

Ito ay dahil lumayo ng bahagya ang mga wildlife mula sa kanilang natural habitat o pinamumugaran ng mailap na mga hayup.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Forester Danny Bayani ng CENRO Naguillian na ang mga maiilap na hayup o wild animals katulad ng mga baboy ramo at iba pa ay lumayo dahil sa mga naririnig ng dagundong ng mga heavy equipments na ginagamit sa paggawa ng nasabing daan.

Gayunman tiniyak ni Forester Bayani na hindi naman ito nakakagambala sa kanilang natural habitat sa dahilang ang mga ibon at ibang mga hayup na dati nang matatakutin sa tao na kinakailangan para sa kanilang depensa.

--Ads--

Si Forester Bayani ay isa sa mga inanyayahan ng Provincial Planning and Development Office kaugnay ng paghahanda ng Land Used Planning ng Lunsod ng Ilagan.