CAUAYAN CITY, Isabela– Sinampahan na ng kasong reckless imprudence resulting to multiple physical injury ang drayber ng forward truck na nasangkot sa aksidente sa barangay San Fermin, Cauayan City.
Ang truck ay minamaneho ni Bernard Galutera, 36 anyos, binata at residente ng Garit Sur, Echague, Isabela.
Matatandaan na ang minamaneho ni Galutera na forward truck ay binabaybay ang daan patungong bayan ng Reina Mercedes nang mabangga ang kasalubong na motorsiklo na minamaneho ni Elvis Baladjay na nasugatan maging ang mga backriders na sina Angelo Baladjay at James Andrew Turingan.
Nang tangkain ni Galutera na tumakas ay nabangga nito ang tricycle na minamaneho ni Jose Cutaran na sakay ang kanyang asawa at anak na masuwerteng hindi nasugatan at tuluyang nabangga ang isa pang motorsiklo na minamaneho ni Eugene Ramos ng Marabulig Uno, Cauayan City na nagtamo ng kaunting galos sa katawan
Nasa pangangalaga pa rin ng Cauayan City Police Station si Bernard Galutera.




