CAUAYAN CITY – Magpapadala ang region 2 ng humanitarian mission Assistance upang tumulong sa pagbangon ng Marawi City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni G. Jessie James Geronimo, Information Officer ng provincial gov’t. ng Isabela na nauna na ng tinalakay sa Regional Peace and Order Council (RPOC) Meeting na magpapadala ang region 2 ng humanitarian mission assistance sa Marawi City.
Sa nasabing pulong ay hinikayat ni Punong Lalawigan Faustino Dy III bilang RPOC Chairman ang kanyang mga counterparts sa mga lalawigan ng Cagayan, Batanes, Nueva Vizcaya at Quirino na suportahan ang Bangon Marawi.
Sinabi pa ni Geronimo na pangunahing bubuo sa humanitarian mission na ipapadala sa Marawi City ay mga inhenyero, mga laborers tulad ng mga karpintero, construction workers at iba pa.




