--Ads--

CAUAYAN CITY – Muling nagpaalala ang pamunuan ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang mga himpilan ng pulisya sa sa Isabela kanilang kampanya laban sa riding in tandem criminals.

Ang paalala ay ginawa ni Police Senior Supt. Reynaldo Garcia, Provincial Director ng IPPO sa kanyang pagdalaw sa Cauayan City Police Station lalo na at mayroong apat na kaso ng pamamaril ngayong buwan ng Oktobre ng naitala na kagagawan ng mga riding in tandem criminals.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Sr. Supt. Garcia na dapat ay magdoble kayod ang lahat ng mga himpilan ng pulisya sa Isabela upang mahadlangan ang mga riding in tandems criminals na may kagagawan sa mga pagnanakaw at krimen.

Gayunman nasiyahan ang provincial director dahil lahat ng himpilan ng pulisya sa Isabela ay gabi-gabing nagpapatupad ng checkpoints at kanyang iminungkahi na magsagawa rin sila ng roving checkpoints pangunahin na sa mga lugar na maaaring pasukan at labasan ng mga kriminal.

--Ads--