--Ads--

CAUAYAN CITY- Hindi na papayagan pa ang sinumang magtatayo ng kanyang bahay o tirahan sa mga lugar na madalas bahain o nasasalanta ng pagtaas ng antas ng tubig sa Isabela.

Ito ay kung magiging isang ganap nang ordinansa ang panukalang na inihain sa Sangguniang Panlalawigan ng Isabela na bawal na ang pagtatayo ng mga dwelling places o dwelling structures sa mga mababang lugar gayundin ang mga lugar na may bantang landslides sa alinmang bahagi ng Isabela.

Magugunitang isasagawa sana ang nasabing pagdinig noong Oktobre 17, 2017 ngunit pansamantalang naipagpaliban at maaaring anumang araw mula ngayong linggo ay ipagpapatuloy ang nasabing pagdinig.

Ayon kay Sangguniang Panlalawigan Member Rolando Tugade, may-akda ng naturang ordinansa at siya ring chairman ng Committee on public security and order ang pampublikong pagdinig ay dadaluhan ng Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office, lahat ng mga hepe ng pulisya, mga Municipal at City Coordinating Council; Disaster Risk Reduction Management Councils; City at Municipal Engineers, apat na district engineer ng DPWH Isabela at DENR.

--Ads--

Ito ay upang ilalatag ang draft ordinance na nagbabawal sa construction ng mga straktura sa mga lugar na binabaha at mayroong pagguho ng lupa.