--Ads--

CAUAYAN CITY, Isabela – Isa ang patay habang tatlo ang sugatan sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa barangay Sinippil, Reina Mercedes, Isabela.

Ang tsuper ng motorsiklo na namatay ay si Romar Frogoso, 22 anyos, binata , graduating sa kursong Bachelor of Science in Criminology at residente ng District 1, Reina Mercedes, Isabela.

Sugatan naman ang tsuper ng tricycle na si Jomar Taguinod, may-asawa at mga sakay na sina Shirley Taguinod na nabalian ng kaliwang paa at Venturito Cuntapay , pawang residente ng Banquero, Reina Mercedes, Isabela

Si Frogoso ay mabilis umano ang pagpapatakbo ng kanyang motorsiklo na umagaw ng linya ng kasalubong na tricycle sanhi para mabangga ang kasalubong.

--Ads--

Dahil sa lakas ng banggaan ay humiwalay ang motorsiklo sa sidecar nito.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Inihayag ni Ramon Frogoso, kapatid ni Romar na labis silang nalulungkot dahil magtatapos na sana sa pag-aaral ang kanyang kapatid

Dinala sa pagamutan ang apat na sugatan ngunit idineklarang dead on arrival ng kanyang attending physician si Frogoso habang ang tatlong sugatan ay kasalukuyan pa ring nilalapatan ng lunas sa pagamutan.