--Ads--
CAUAYAN CITY- Nagpositibo ang kauna-unahang drug operation ng Phil Drug Enforcement Agency (PDEA) region 2 sa lalawigan ng Quirino.
Nadakip sa nasabing operasyon ang suspek na si Junjun Diaz, 42 anyos,may-asawa, isang tsuper ng tricycle at residente ng Recarte Norte, Diffun, Quirino.
Si Diaz ay nasa drug watchlist ng PDEA at PNP..
Sa nasabing operasyon ay binentahan ng suspek ang umaktong pusseur buyer na kasapi ng PDEA region 2.
--Ads--
Nakuha sa pag-iingat ni Diaz ang isang sachet ng hinihinalang droga at marked money.
Si Diaz ay nauna nang sumuko sa himpilan ng pulisya ngunit ipinagpatuloy ang transaksiyon sa illegal na droga.
Tiniyak ng PDEA Region 2 na paiigtingan pa nila ang kampanya kontra illegal na droga.




