--Ads--
CAUAYAN CITY – Binigyan ng pagkilala ng mga opisyal at kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang isang reporter ng Bombo Radyo Cauayan kasabay ng Flag Raising Ceremony sa Kapitolyo.
Sa kanyang pagsasalita, binigyan diin ni Atty. Noel Manuel Lopez, Provincial Administrator ng Isabela na hindi kailanman nai-kompromiso ang Bombo Radyo Cauayan sa mga usapin sa Kapitolyo.
Malaki aniya ang nai-ambag ni Bombo Romy Santos sa pamamagitan ng mga balita sa Bombo Radyo Cauayan ay nabibigyan ng impormasyon ang mga mamamayan sa kanilang mga dapat gawin sa panahon ng kalamidad.
Maliban sa pagbibigay ng tribute ay binigyan din siya ng plaque of appreciation na nilagdaan ni Punong-lalawigan Faustino Dy III.
--Ads--




