CAUAYAN CITY- Walang naitalang krimen o di kanais nais na pangyayari sa mga sementeryo sa iba’t ibang bahagi ng Isabela sa paggunita ng undas.
Mayroon lamang tinugunan ang Rescue 1124 na isang aksidente sa may western barangay ng Ilagan City ngunit ito ay minor lamang.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa mga himpilan ng Pulisya walang nakumpiskang anumang matutulis na bagay o nakamamatay na sandata maging ang ipinagbabawal tulad ng maiingay na tugtog at alak.
Di tulad noong mga nakaraang paggunita ng undas na mayroong pinapaiwan ang mga pulis sa bukana ng sementeryo.
Natutunan na rin ng mga mamamayan ang mga ipinagbabawal na dalhin sa loob ng sementeryo sa panahon ng undas.
Kumpleto ang mga nakabantay na mga pulis sa mga sementeryo sa Isabela katuwang ang mga barangay tanod at mga volunteers mula sa Non Government Organizations.




