--Ads--

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang naihiwalay ang mga barangay sa kabilang ibayo ng Pinacanawan River mula sa kalunsuran makaraang abutin ng tubig ang over-flow bridge ng Kabisera Otso, San Antonio,Ilagan City.

Maging temporary bridge sa may Bintacan river na maaaring naanan ay naputol na rin dahil sa malakas na agos ng tubig mula sa Abuan River .

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan maging ang mga bangka ay hindi na maaaring gamitin sa pagtawid sa mga nasabing ilog dahil sa malakas ang agos ng tubig.

Magugunitang noong bagyong Lawin ay nagiba at tinangay ng malakas na agos ang Bintacan Bridge at tanging ang overflow bridge ng Kabisera 8, San Antonio ang maaring daanan ngunit inabot na rin ngayon ng tubig.

--Ads--

Nauna rito ang construction company ng Ilagan-Divilacan road ay gumawa ng temporary bridge sa Binatacan sa pamamagitan ng mga container vans na ginamit subalit tinangay din ng malakas na agos ng tubig.

Dahil sa pagkakasira ng temorary bridge sa Bintacan at pag-apaw na ng tubig sa over-flow bridge ng Kabisera 8, San Antonio ay isolated na ngayon ang labing isang barangay sa San Antonio region sa Lunsod ng Ilagan.